Courtesy by Gorgy Rula of PEP
Abala si LJ Reyes sa pagpu-promote sa kanyang pelikula na entry sa Cinemalaya Philippine Independent Festival, ang Intoy Syokoy ng Kalye Marino.
Nang humarap ang Kapuso actress sa ilang movie press noong Miyerkules, July 11, hindi maiwasang maungkat ang tungkol sa kanila ni Paulo Avelino, lalo pa't kung anu-anong intriga ang naglalabasan tungkol sa kanilang relasyon.
Gaya ni Paulo, hindi kumportable si LJ na pag-usapan ang tungkol sa kanila. Kahit pa naging isyu ang hindi pagbanggit ni Paulo sa pangalan niya at ng baby nilang si Aki sa acceptance speech nito para Best Actor award na napanalunan ng aktor sa Gawad Urian.
“Sa amin, hindi na issue yun. Kilala n'yo naman ang taong yun na hindi naman talaga siya good speaker.
“Kahit ako siguro, manalo ako ng Urian, matutulala na lang ako, mara-rattle na siguro ako,” depensa ni LJ para kay Paulo.
Sa tono ng mga sagot nito ay nagkakaintindihan sila ni Paulo, at okay na raw siya sa ganun.
Naiintindihan niyang kailangang gawin iyon ni Paulo dahil parte ito ng trabaho.
Pagdating sa kanilang relasyon, hindi na raw ito kailangang pag-usapan pa sa publiko.
“Feeling ko, hindi na tinatanong ang bagay na 'yan, kasi what's private is private,” pakli ni LJ.
Ayaw na ring patulan pa ni LJ ang ibang intrigang hiwalay na raw sila at hindi na nakapagbibigay si Paulo ng tamang sustento para sa kanya at sa kanilang anak na si Aki.
“Ang nakakatawa kasi, sa lahat ng isyu about this is, kahit anong sabihin namin, kahit ano pang lumabas sa bibig namin, people will think what they want to think.
“So, mabuting tahimik na lang.
"Kung may sasabihin kami, ayaw n'yong maniwala, ang dami pa ring issues na lumalabas.
"So, huwag na lang kami magsalita at hayaan na lang ang taong mag-isip,” diretsong sagot nito.
Wala naman daw silang problema, at kung anong relasyon meron sila noon ay ganun pa rin daw ngayon. Wala naman daw nabago.

Entertainment, Lifestyle, Everything