Showing posts with label Dolphy Quizon. Show all posts
Showing posts with label Dolphy Quizon. Show all posts

Dolphy Alay Tawa



The highly-anticipated grand concert tribute “Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Comedy” is all set to spread love, joy and laughter this Wednesday (September 19) as some of the biggest names in the Philippine showbiz industry join forces to celebrate the life of the late Comedy King Dolphy.


Led by his beloved children and partner ZsaZsa Padilla, also joining the historical tribute concert for the Comedy King are some of the biggest Kapamilya stars such as Judy Ann Santos, Gary Valenciano, Martin Nievera, Ai Ai delas Alas, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, Angeline Quinto, Luis Manzano, John Prats, Iya Villania, Smokey Manaloto, Jhong Hilario, Melai Cantiveros, and Neil Coleta.

Meanwhile, to further extend happiness, joy and inspiration among Filipinos, all the proceeds of “Dolphy Alay Tawa” will go to Eyebank Foundation Philippines, Hope in a Bottle, Philippine Red Cross, and Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation.

Re-Run of Dolphy's MMK was the most watched TV Program last weekend



The re-run of Dolphy’s ‘Bisekleta’ episode in “Maalaala Mo Kaya” was the most-watched TV program nationwide last weekend.



Based on Kantar Media’s data last Saturday (July 14), Comedy King’s last “MMK” episode garnered 40% national TV ratings. In the story,Dolphy portrayed the role of a father who struggled to make his family whole again after spending 40 years of his life in prison.

Meanwhile, “MMK” features another heartwarming tale this Saturday (July 21) with the life story of Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj. “MMK” is Venus’ first acting stint. Discover the trials that Venus had to go through before she joined Miss Universe and how shemanaged to handle the public’s criticism on her physical appearance. How did she handle her newfound found after her ‘major-major’ achievement?

Together with Venus in the “MMK” episode are Malou de Guzman, Gio Alvarez, Amy Nobleza, Perla Bautista, Simon Ibarra, and Marielle Pamintuan. The episode was written by Maan Dimaculangan-Fampulme and directed by Nuel Crisostomo Naval.

Comedy King Dolphy now resting at peace

Courtesy by Erwin Santiago of PEP

Paalam, Dolphy.

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang labi ng Comedy King na si Dolphy ngayong hapon, July 15, sa Heritage Park sa Taguig, City.


Ilang minuto bago mag-alas dos inilabas ang kabaong mula sa kapilya kunsaan ibinurol ang mga labi ng yumaong aktor. Habang inilalabas ang kabaong ay sinasabuyan naman ito ng mga puting bulaklak ng mga nakipaglibing.

Wala pang isandaang metro ang layo mula sa chapel ang puntod na pinaghimlayan ng mga labi ng Comedy King, kaya naman inabot lamang ng halos limang minuto ang funeral procession.

Nakaputi ang lahat ng mga nakipaglibing, kabilang na ang mga anak at kapatid ni Dolphy, maliban sa kanyang parner na si Zsa Zsa Padilla na nakasuot ng itim na blouse.

Nangunguna sa funeral procession si Zsa Zsa at mga anak na sina Zia at Nicole Quizon; ang mga anak ng Comedy King; at ang mga aktres na sina Maricel Soriano at Maybelyn dela Cruz.

Kabilang naman sa pallbearers ang matalik na kaibigan ni Dolphy na si Mayor Alfredo Lim.

Pagkatapos ng maikling bendisyon ni Father Larry Paraon ay isinagawa na ang final viewing para sa immediate family lamang ng Comedy King.

Naging emosyunal ang bahaging ito para sa mga kaanak ni Dolphy—lalo na ang bunsong anak na lalaki nito na si Vandolph—ngunit kapansin-pansin ang pagiging kalmado ng kanyang biyuda na si Zsa Zsa.

Kasabay na sumilip ni Zsa Zsa sa huling pagkakataon ang mga anak nila ni Dolphy na sina Nicole at Zia.

Pagkatapos nito ay niyakap ni Zsa Zsa ang kabaong ng kanyang "lovey" ng ilang sandali sa huling pagkakataon.

Huling sumilip si Mayor Lim at sinaluduhan niya ang kabaong ng Comedy King bilang pagbibigay-pugay.

Pagkatapos nito ay isinara na ang kabaong para maisilid sa puntod nito na gawa sa black granite at nagkakahalaga diumano ng P380,000. Ang sukat nito ay 2.5 meters long at 1.5 meters wide. Ang mismong burial site naman ay 39 square meters.

Kung noong mga nakaraang araw ay hindi nakita ng publiko na umiyak si Eric Quizon, sa pagkakataong ito ay bumuhos na ang luha ng tumayong spokesperson ng pamilya Quizon.

Ngunit pinaalalahan ni Father Paraon ang mga nakipaglibing na ang nais ng Comedy King ay maging masaya ang pagpapaalam nila sa kanya. Kaya naman sinabihan niya ang mga ito na sumigaw ng "Hep, hep hooray!"

Farewell Comedy King Dolphy

Courtesy by Rommel R. Llanes of PEP



Wala na ang Hari ng Komedya.

Pumanaw na si Rodolfo Vera Quizon, Sr., o mas kilala sa screen name niyang Dolphy, sa edad na 83.


Naunang kumalat ang balita ng pagpanaw ng beteranong komedyante sa pamamagitan ng Twitter ngayong gabi, July 10, nang magsimulang mag-post ng tweets ng pagpapahayag ng pakikiramay ang mga artistang tulad nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Vice Ganda, at Jim Paredes.

Bagamat nagkaroon ng kalituhan sa pagkumpirma kung talagang pumanaw na nga si Dolphy, kinumpirma naman sa pamamagitan ng breaking news ng ABS-CBN, bandang alas-nuebe ng gabi, na sumakabilang-buhay na nga ito.

Ang kumpirmasyon ay mula raw mismo sa long-time partner ng Comedy King na si Zsa Zsa Padilla.

Ayon naman sa nakalap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), 8:42 ngayong gabi pumanaw si Dolphy sa Makati Medical Center.

Kasama raw ni Mang Dolphy si Zsa Zsa at ilan sa mga anak nito nang bawian ito ng buhay.

Ang anak at nagsilbing spokesperson ng pamilya Quizon na si Eric Quizon habang naka-confine si Mang Dolphy sa hospital ay kasalukuyang nasa Bataan para sa taping ng idinidirek niyang fantaserye sa TV5, ang Enchanted Garden, nang matanggap niya ang malungkot na balita tungkol sa ama.

Dagli-dagling lumuwas pabalik ng Maynila ang actor-director para damayan ang kanyang mga kamag-anak.

Ipagdiriwang sana ni Dolphy ang kanyang ika-84 na kaarawan sa July 25.

Sa Heritage Park sa Taguig City ilalagak ang mga labi ng Comedy King.

DOLPHY'S HOSPITALIZATION. Matatandaang isinugod sa Makati Medical Center nung June 9 ang veteran actor dahil sa sakit nitong pneumonia. Kinabitan agad ito ng respirator dahil nahihirapan daw itong huminga.

Ikinabahala ng pamilya ni Dolphy ang sakit nitong Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), isang kundisyon na naglilimita ng paglalabas-masok ng hangin sa baga dahil sa paninikip nito.

Noong June 19, ibinalita ni Eric ang bahagyang pagbuti ng kalagayan ni Dolphy.

Anim na oras daw na tinanggalan ng respirator ang komedyante bago ito ikinabit muli kinagabihan. Sinusubukan daw kasi ng mga doktor ng Comedy King na palakasin ang paghinga nito.
© all rights reserved