Ngayong Sabado sa
Magpakailanman, Rocco Nacino and Kris Bernal give tribute sa buhay at pag-ibig
ni PO2 Nicky Nacino, Jr.—
isa sa special armed forces na
nasawi sa Mamasapano incident.
| Magpakailanman: The Nicky Nacino Jr. story |
Tulad ng marami, nagimbal,
nadismaya, at nalungkot si Rocco Nacino nang mabalitaan niya ang nangyari sa
Mamasapano a few months ago.
Lalo pa nang malaman niya na isa
sa mga kasamang napaslang ay ang kamag-anak niyang si Nicky Nacino, Jr.
Kaya naman mahalaga sa kaniya na
maibahagi ang kuwento ng buhay ni Nicky, hindi lang bilang kamag-anak niya,
kung ‘di bilang isang anak, isang ama, at isang asawa.
Magsisimula ang kuwento ni Nicky
bilang isang guro.
Isang guro na may pangarap
magsilbi sa bayan sa ibang paraan: bilang pulis.
Pero simula pa lang ng kaniyang
paglalakbay ay parang hinaharang na si Nicky sa kaniyang magiging kapalaran:
mula sa pagtutol ng kaniyang ina,
hanggang sa kapaguran ng kaniyang ama sa mga natatanggap na rejection ni Nicky.
Iba’t-ibang balakid ang hinarap
ni Nicky; pero hindi siya nagpatalo.
At dito niya nakilala si Roselle,
ang babaeng iibigin niya ng lubos—
at ang babaeng tutupad sa
pangalawa niyang pangarap:
ang magkaroon ng pamilya.
Pero sa anong kapalit?
Ngayong Sabado, alamin kung paano
natupad ni Nicky ang kaniyang mga pinangarap sa buhay bago niya natanggap ang
summon na magtungo sa Mamasapano.
At kung paano ngayon ang kaniyang
mag-anak, ang kaniyang asawa, at ang kaniyang anak sa episode na:
“Alab ng
Puso: The Nicky Nacino Jr. Story.”
Itinatampok sa episode na ito sina: Kris Bernal,
Glenda Garcia, Ken Chan, Mymy Davao, Simon Ibarra, Art Acuna, Arny Ross, at si
Rocco Nacino bilang Nicky Nacino, Jr.;
sa ilalim ng masugid na direction ni Albert Langitan,
mula sa script ni Aloy Adlawan, based sa research ni Angel Lauño.
Magpakailanman airs this
Saturday, April 18, after Pepito Manaloto.
| Magpakailanman: The Nicky Nacino Jr. story |
| Magpakailanman: The Nicky Nacino Jr. story |
| Magpakailanman: The Nicky Nacino Jr. story |
| Magpakailanman: The Nicky Nacino Jr. story |
| Magpakailanman: The Nicky Nacino Jr. story |
Follow @Niceguyitachi
Entertainment, Lifestyle, Everything
No comments
Post a Comment